Sunday, March 28, 2010

Bisaya :)


Ang tamang paraan ng pagsulat nito ay "Bawal magtapon ng basura dito."

Phimie Glainne Lim
BS Psychology
092153
Ateneo de Manila University

Monday, March 22, 2010

Walang gitling :)

Simple lang ang pagkakamali rito; walang gitling sa gitna ng "pantay pantay." Dahil ito ay inuulit na salita, nararapat lang na lagyan ito ng gitling upang maging, "pantay-pantay."

<3 Robin Barranda :)

No Setting.


"Bawal umupo rito" dapat ang nakasulat.

-Yan Rigor

Mga Babala sa Binondo

Imbis na sabihing, "Hindi dito exit", dapat sinulat na lamang nila ang, "Bawal lumabas dito".

Gumamit lamang ng mga salitang Ingles kung walang mahanap na direktang kahulugan sa Filipino. Sa kasong ito, puwede namang gamitin ang salitang "lumabas" kaysa sa "exit".

-Gelaine Pangilinan

Thursday, March 18, 2010

SI ERAP TALAGA



Mali ang ginamit niyang "magba-vice" gayundin ang pagiging "taglish" ng pangungusap.

Hindi tamang gawing tagalog na pandiwa ang isang ingles na salita.

Hindi rin magandang tignan ang isang taglish na pangungusap, matutong maging konsistent.

Dapat ay Hindi na ako tatakbo bilang bise presidente dahil presidente na ako ngayon.

Source: YAHOO IMAGES:

-Jem Empaynado

Ay, Sablay




"Iwasan ang pangawiang na ay sa pangungusap"


Tanda ng isang maunlad na pamayanan ang kalinisan.

-Suzanne Joie C. Velasco

Wednesday, March 17, 2010

Vandal

Pangngalan ang salitang "vandal", kaya hindi tamang gamitin siya bilang isang pandiwa. Maaaring sa halip ng "Huwag po tayo mag-vandals", palitan na lamang ito ng "Huwag po tayo gumawa ng bandalismo".

Tammy Jordan